Okay lang yun. Normal lang yun.
March 1, 2010 at 5:33 am 20 comments
Nang mapanuod ko ang MMK (Maala-ala Mo Kaya), featuring ang buhay ni Efren Peñaflorida. May natutunan ako.
Na ang sapatos na butas ay BASTOS. Ngeeee. Patawa si Gudang. Hindi yun! Hindi yun! Erase! Erase!
Ito ay line na sinabi ni Mr. Dominic Ochoa. Hindi ito yung exact na sinabi, pero ito ang thought. Hindi ko matandaan ang kanyang character name pero siya ang naging daan ni Efren para sa tamang landas.
“Yung MAPAGOD ka, normal lang yun. Okay lang yun. Yung magduda ka sa sarili mo, normal lang din yun. Okay lang talaga yun. Dahil ang mahalaga, yung HINDI KA SUMUSUKO. Yung hindi ka susuko.”
———————————————-
Hindi ba nakaka-inspire? Ako kasi, na-inspire eh. Parang sobrang tama ng timing nung napanuod ko yan, dahil nung mga time na yan, nagdududa na rin ako sa sarili ko, kung tao talaga ako. Ngeee.
Kung ‘okay’ pa ba na andito ako sa course ko, dahil sobrang walang pakundangan ang Accounting sa pagpapahirap sa buhay ko. Pero hindi eh, okay lang naman daw talagang magduda sa sarili ko at mapagod ako. Hindi pa naman ako umaabot sa puntong SUSUKO. “paSUKO” pa lang. JOKING
Haha.

Uzumaki Naruto On Giving Up
Tsaka para saan pa yung pagkahilig ko sa kung anu-anong Naruto, na ang motto, ay “I WILL NEVER GIVE UP!”
Diba Mga LABS? Hehe.
Entry filed under: BUHAY KOLEHIYALA ;), REFLECTIONS ♥. Tags: ARAL NG BUHAY. xD, CHAR. \m/, STUDIES MATTER :).
1.
hitokirihoshi | March 1, 2010 at 7:07 am
alam mo gudang pare-pareho tayo (ata) nina Eloiski. ang pinagkaiba ko lang sa inyong dalawa. tapos na ako at pinaninindigan ko na lang ang gusto ko na sang sukuan before.
mahilig din tayong tatlo sa anime pala. kaso ako medyo na lang kasi hindi na ako nakakapanood. anyway,
ang maipapayo ko lang ay maniwala ka sa sinabi ng character ni dominic ochoa. umiyak ka, magwawala ka sa videoke ka kung yun ang trip mo. gawin mo yun kasi napapagod ka e at pingahihinaan pero dapat alam mo ang basic. na kaya ka nasa accounting ay dahil ito ang ginusto mo ito, dito ka magiging masaya sa future at tagumpay pa yan. quever na ang iba. hehehe
mabuhay and good luck sa study mo.
2.
gudang | March 2, 2010 at 4:40 pm
Gusto ko nga rin pong gawin talaga yung mga payo niyo. Umiyak, check! Magwala sa Videoke, NEXT TARGET!
Marami pong salamat sa pagbisita dito.
Mabuhay at goodluck din po sa inyo!
3.
orville | March 1, 2010 at 7:16 am
haha.. saya naman ng post na to.. hehe.. parang naglilipat ng channel.. kumusta?
4.
gudang | March 2, 2010 at 4:42 pm
Partly-masaya din po kasi. Hehe. Mabuti naman po. Kayo po? Hehe
5.
kikilabotz | March 1, 2010 at 8:41 am
waaaaaaahhh. napadpad ulit ako sa tahanan ni gudang. naalala m p ba ako? tama huwag na huwag susuko ryt?
6.
gudang | March 2, 2010 at 4:42 pm
NAAALALA PA KITA!!!
hehe. Ikaw pa. Ikaw yung isa sa mga una kong naka-blog-an. At nakakapagtakang mapadpad ka ulit dito! Apir!
Tama! Wlang sukuan!
7.
pruelpo | March 1, 2010 at 9:35 am
Gustong-gusto ko itong banat mo rito, Igan Gudang. Ang galing ng idiyang itinampok mo. Almost all ay normal lang …basta ‘wag ka lang susuko. Salamat sa pagdalaw mo doon. God bless.
8.
gudang | March 2, 2010 at 4:43 pm
Maraming thankyou sa iyong papuri!
Magaling din kasi silang magbitiw ng moral lesson
Tama po! Wag susuko!
Salamat din sa pagdalaw!
9.
pruelpo | March 1, 2010 at 9:36 am
OK lang ba sa iyo kung e add kita sa aking blogroll?
10.
gudang | March 2, 2010 at 4:45 pm
Sobrang okay po! I-aadd ko din po kayo
11.
joan | March 1, 2010 at 9:58 am
ohh hai thur?? hehe.. gmmm nalink na kita.. thanks sa pagdaan daan ahh. bahahah.
i will never give up.
))
12.
gudang | March 2, 2010 at 4:45 pm
Thank you din sa pagdaan
Hi there din!
13.
eloiski | March 2, 2010 at 10:20 am
apir! buhay ng mga kolehiyala. ako rin minsan nga susuko na eh. kaso ayaw ko! kasi anman ilang taon ka naring nagstruggle eh di ituloy tuloy mo na. sagad sagarin na di ba? kaya ayun! go na lang ng go!
14.
gudang | March 2, 2010 at 4:46 pm
Onga Ate!
Apir! Sayang naman yung iba kong pinagdaan pa! Haha. Sagarin na! Hehe. Salamat Ate!
15.
lee mi | March 2, 2010 at 11:57 am
wow.., buhay Accountant future mo.., sem sem tau =)
hindi maiiwasan na maisip nating baka di natin kaya.., pero sabi rin ng ex ko.., “never give up without a fight”… =)
gudlak sa accounting..,
16.
gudang | March 2, 2010 at 4:48 pm
Waw. I’m glad to find someone the same course as mine!
Yess. I will never give up.
Let’s fight!
Goodluck din sa Accounting mo!
17.
onealberto | March 2, 2010 at 12:44 pm
mas nainspire ako lalo nung napanood ko to sa mmk. astig si efren no?
18.
gudang | March 2, 2010 at 4:49 pm
Yes. Apir!
19.
taympers | March 2, 2010 at 12:45 pm
hahaha… natuwa naman ako sa blog mo, ansarap magbasa..nakakarelaks kasi yong theme lalo na yong thoughts, walang harsh feeling at frigid thoughts.
20.
gudang | March 2, 2010 at 4:51 pm
Nako ‘taympers’, salamat.
Natuwa din naman ako sa iyong commento, sana pagbalik mo eh, dala mo na yung link mo ehehe
Para madalaw kita
Salamaaaaaat!