hardwork on the left. prayers on the right.
March 17, 2010 at 1:32 pm 9 comments
Forgive me to tell you this guys, but I NEEED AGAIN your PRAYERS.
I know, hehe. Nanghingi kasi ako ng tulong sa inyo dati bago ako magQualifying Exams, IT WORKED. Tapos ngayon naman, ganun din uli. Para sa aking Chuunin Exam ay este Final Departmental Exam sa Financial Accounting I. ‘Wag kayong mag-alala, hehe, ako naman ay magsa-SAGE MODE para magReview ng 25 Chapters ni Valix.
Hindi naman po iyon too much? Hindi po ba? Hehe. Ayaw ko din kayong mapahiya kay Bro, hehe. Baka mabatukan niyo ko, pero kailangan ko lang talaga ng Prayers niyo.
Hindi para sa “kahit anong mangyari eh ipasa niyo po si Gudang (yung instant)“. Ang dasal eh para sa “wag niyo pong hayaang mag-adik at tamarin si Gudang, tulungan niyo po at gabayan na lamang siyang mabuti sa pagrereview at nawa’y matapos niya ang bente-singkong kabanata ng bibliya ng FinAct I. wag niyo rin po siyang pabayaang mag-minimaynimo sa Actual Exam, nawa’y makapagsolve siya ng problem ng matiwasay. AMEN.“

Isshare ko ang aking SAGE MODE SCHED kapag pumasa ako. Hehe. Nakuha ko pa talagang gumawa nun eh no? Para lang may KAAYUSAN sa buhay ko. Hehe. Sa March 24 na ang aking Exam. At nakuha ko pang magBlog? Hehe. Wala lang. Gusto ko lang gawin muna ang mga gusto kong gawin bago ako magbabad sa libro, lapis, pambura, pantasa, columnar, reviewer at sa bespren kong calculator. Prinsipyo ko sa pag-aaral yun na mula nung 1st Year ako eh ina-apply ko at SO FAR, SO GOOD. Ewan ko lang kung papatok pa rin ngayon. Walang masama kung hindi susubukang muli.
At nakuha ko pang mag-EK nung Sunday no? Hehe. Ipinagdiriwang lang namin ang last teen year ng aking Best friend Dianne. Kaya ayun.
Napa-EK ng biglaan.
Masaya talaga kapag kasama ang mga kaibigan. MWAH
iloveyou mga pare! ![]()
CHEER UP!
MAG-ARAL TAYONG MABUTE! ![]()
Goodnight mga labs.
*pansamantalang mawawala sa background ng blogosphere*
Entry filed under: FRIENDS ;], MASAYA :D. Tags: FRIENDSHIP ♥, STUDIES MATTER :).

1.
Lee Mi | March 17, 2010 at 3:07 pm
si Valix di pala ang pasimuno sa inyo.., sya din noong time namin.. Goodlak na lang Gudang.., naalala ko nakatulog yung barkada ko during Final Departmental Exam namin dyan eh.. ahihiihi…
review ka na.., next week na pala yun.., at tip ko na rin to.: agahan mo pasok.. ayusin ang cheating este sitting arrangements, cool ka lang.., noon kase sa min pwede mag-CR kase 4hours ung exam eh magkakalat sa room kung bawal ang col of nature, at pag suswertehin makakatisod ka ng sagot sa mga tanong na di mo mawari kung tama at nakonpyus ka lang.. bawal makonpyus sa Financial ha.. paktay na.. sa araw na yun: May you have an open eyes for answers, open ears for anything and open mind for everything.., when all else fails.., bahala na si Batman.. (parang di rin ako nakatulong ah..=)..Gudlak pare..,
2.
kayedee | March 18, 2010 at 2:57 am
nakss… ok po ill pray 4 u! ahihii..
korak! ang sarap ksma ng mga kaibigan prang ang gaan gaan ng lahat
minsan nga mas msya cla ksma kesa s jowa u!! bwahhh..
3.
themizpah | March 18, 2010 at 7:03 am
prayer is the key! Be blessed!
4.
duking | March 19, 2010 at 12:36 pm
all the best…
kaya mo yan!!!
5.
superlolongpinoy | March 20, 2010 at 3:20 pm
Formula ko rin yan sa buhay ko. Aanihin mo rin ang pinaghirapan sa gabay ni Lord. God Bless!
6.
eloiski | March 21, 2010 at 8:01 am
kaya mo yan!
weee!
amen amen amen!
balitahan mo kami sa mabuting balita!
7.
yiN | March 22, 2010 at 3:08 am
baon kang chocolate bar. makakatulong yun. sige pray ako. lord, sana tumama sa lotto si yin..
8.
eloiski | March 30, 2010 at 4:19 am
kumusta na gudang?
9.
gudang | April 14, 2010 at 10:37 pm
SAINYONG LAHAT, MARAMING SALAMAT!
Balik na sa normal. Hehe. Tinanggal ko na ang aking pagka-SAGE MODE
Ubos ang CHAKRA! Salamat sa mga dasal