Posts filed under ‘BUHAY KOLEHIYALA ;)’

Please, tell me it’s gonna be okay.

AYOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! I miss doing this. My Blog! It has been months, since I last updated this. And again, nais kong magpasalamat sa mga blogeristang napapadpad dito at nagtitiyagang basahin ang mga natitirang posts dito na ilang months ng overrated. Well, thank you. Now here I am.

Nagtapos na ang isang NAPAKADUGONG SEMESTRE ng aking Third Year life sa Accountancy. Nalagpasan ko na ang Cost Accounting, Financial Accounting II, at Accounting Information System. Pero tapos na nga ba? At ito ako ngayon, NAGHIHINTAY sa mga resulta ng pinaghalo-halong puyat, katamaran at minsang kasipagan. 😐

Siguro, kaya ako natatakot at kinakabahan at lahat na ng pwedeng maramdaman at i-synonyms sa “TENSE” eh dahil sa mismo ako, hindi ako kuntento sa ginawa kong pag-aaral. Parang, hindi iyon ang ‘level’ ng pag-aaral na kailangan sa pag-aaral ng Accounting. Pero ano nga ba naman ang magagawa ko, eh TAPOS na?

Posible bang pagbigyan ulit ako ni Bro? Na iligtas niya ulit ako sa bingit ng PAGKATANGGAL sa course ko? Dahil last chance ko na ito eh. Hindi ako maaaring magkaroon ng 2.75 and below kundi CHUGI BYE BYE na ko. 😐 Bakit kaya ganun? Lagi na lang ako nagiging ganito kung kailan huli na? At mangangako na naman ako sa sarili ko na…

Please, pag-STAY-in niyo po muna ako at papatunayan ko na..
PARA SA AKIN TALAGA ‘TO.

Dahil hindi naman ako handa. At kahit sabihing hindi ako handa, sabi nga nila: “Handa ka man o hindi, mangyayari ang mangyayari.” Pasensya na sa mga nakakabasa nito kung medyo nagmumukhang Academic Monster. Hindi naman ako Acad Halimaw pero ito– ang Accounting na ‘to– ang BUHAY ko. 😐 Kaya hindi ito pwedeng mawala. 😦 Haay. May tiwala naman ako sa sarili ko, at sa mga Professor ko, sana lang, hindi ako nagkakamali. πŸ™‚

At sa aking pagbabalik, isang napaka-MALUNGKUTING post ang naisulat ko. Ito lang kasi yung nararamdaman ko ngayon. Hehe. O sige na, kailangan ko nang panuorin yung mga hindi ko napanuod na anime ng Naruto Shippuuden! Balik sa normal muna ang lahat at i-uupdate ko na lang kung sakaling kung anung nangyari sa mga grades ko this semester. Maraming salamat sa pagbabasa! CIAO! πŸ˜€

I just need everybody to tell me that I will do fine.
That EVERYTHING’s gonna be okay. πŸ˜€

Oktubre 18, 2010 at 2:18 hapon 4 mga puna

I am the one who doesn’t stop even when I know I am tired.

I’ve given this a lot of thought before I decided to post something to my God-forsaken blog. 😐 I’ve been very busy these days so I’m apologizing to those who came here to visit only to find out that I have not been updating. Again, I’m sorry πŸ™‚

I have not been updating for lots of various reasons:
1. I’m CURRENTLY in FULL-TIME SAGE MODE in studying. I have three majors this semester: Cost Accounting, Financial Accounting II, and CSYSANDS (I forgot what this thing stands for, but it’s about Accounting too.)

2. I’m CURRENTLY a PROBATIONARY STATUS, one wrong move, and I’m seriously dead meat. I’m trying to get myself out of this shameful stat, so please pray for me. πŸ™‚ Thank You.

3. I have lots of ADVANCED READINGS to do. During my vacant time, instead of hanging out with Mr. Facebook, I’m in my room–READING every possible chapters I can just to kill time. I’m a book freak, I know. πŸ˜€

4. And four, when I’m not reading, I just choose to sleep and forget about all about this blog thing. I just decided to check this one out, and gaaaahh–I can’t help but to NAG in my personal E-space. 😐

THIRD YEAR – BS ACCOUNTANCY PO.

I think, I’m DYING. 😐 Wala na kong pahinga. Siguro, kino-consider ko na rin itong pahinga. Dahil grabe-ness, sobrang pagod ko. From 7:30AM upto 6PM ang klase ko. And I’m tired as hell kapag uwi ko. Hindi ko naman matiis ang tawag ng mga pangangailangan ng mga libro ko na nagmumura na para sabihing aralin ko sila. Wala akong magawa kundi magpa-alipin sa mga libro ko, calculator at lapis ko. 😦

Sinabi ko na sa sarili ko na HINDI NA AKO MAGREREKLAMO. Hindi naman ako nagrereklamo pero gusto ko lang sabihin na napapagod din ako. Kaso eto ako, siyempre, basta INSPIRED ako sa mga pinagsasabi ni Naruto na:

“I WILL NEVER GIVE UP!”

Edi I will never give up galore na rin ako! Hahaha. Hindi naman na masama kung parati akong nakikita sa library kasama ang aking kape at nag-aaral. Para san pa at palagi nila akong tinatawag na “NERD” o “GEEK”, it’s rather offensive and I hate those people who call me that. They can just call me an: “INTELLECTUAL BEING”. They chose to hurt me though, so sige lang mga masasamang ninja! Bahala-ness kayo sa buhay niyo. Hahaha char lang. πŸ™‚

I can’t promise that I’ll be updating this soon, but then I’ll try my very best to check wordpress once in a while. πŸ™‚ Ha? Anu daw? Hehe.

This is exactly how I feel right now.

Maraming Salamat sa mga patuloy na nagbabasa ng mga kalokohan dito. THANKYOU AND GOD BLESS. πŸ˜€

Hulyo 2, 2010 at 1:17 hapon 17 mga puna

mabait pa rin si Bro. ;]

Paano ba ko magsisimula? Ang tagal ko palang hindi in-update tong E-bahay ko. Kasi nagpramis galore ako sa sarili ko na mag-aaral galore ako ng mabuti. At susundin ako ang advice niyong hardcore aral.

HANEP!

PASADO AKO
sa
FINANCIAL ACCOUNTING I!

Sa 3 days na pag-eencode ng grade, sobrang tensionado ako dito sa bahay. Parang magkakasakit na nga ako. Kasi nabalitaan kong ang dami daw ng bagsak sa ibang section. Hmm. Tapos sa amin, nabalitaan ko naman ngayon na 15 daw ang bagsak sa amin. Ang lupit ng tadhana. 😦

Hindi ko alam kung dapat ba kong maging masaya o malungkot dahil sa pasado ako, o dahil sa WALA NA ANG INIINGATAN KONG SCHOLARSHIP. 😦 Nahihiya ako sa mga magulang ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, dahil habang nagpprogreso ako, hindi naman bumababa ang tuition fee ko eh, tumataas. 😦 Kaya ayun.

Pero sa ngayon, pipiliin ko pa rin munang maging masaya dahil PUMASA AKO! πŸ˜€ At dahil rin yon sa tulong ng mga kaibigan kong nagdasal para sa akin. Pati na rin kayo. πŸ˜€ Kaya…

MARAMING SALAMAT! πŸ˜€

Marso 31, 2010 at 6:37 umaga 21 mga puna

I’ll say when it’s over.

Una muna, nais kong magpasalamat sa mga ka-E-bahay ko na nagbigay ng kanya-kanyang pasabog sa issue ng last entry ko. Maraming salamat sa pagbibigay ng mga encouragement at words of wisdom. Marami po akong natutunan at lalong lumakas ang aking loob.

66

Ayan ang Midterm Grade ko. 75 ang Passing Grade sa Accountancy. NUEBE na lang. I mean, NUEBA pa para pumasa ako, para ang 5 ay maging 3. Hindi ko muna iniisip ang Scholarship na kailangan ng “No Grade lower than 2.5“. Priority ko ang maging 3 muna sa ngayon.

Kaya ko pa ba? Statistics show… WEH? Hahaha. Joking. πŸ™‚ 50% ang Midterm Grade. At 50% ang Final Grade. So kung 75 ang Passing, dapat maka-84 ako sa Final Grade. Tama?

GARABI TO MGA FRIENDS. Kaya ko ba? KAYA YAAAAN! Kailangan ko ng inyong mga dasal. Hehe. Naaalala ko tuloy nung ako’y nagQualifying Exam, tapos hiningan ko kayo ng tulong, at AYUN! Pumasa ako! Hehe. Naiisip ko tuloy, dito pa ba ko susuko? Hehe. At siyempre, ang SUPER MEGA ARAL ULIT πŸ˜€

I know, i know. Kailangan maging ‘realistic’, pero sa ngayon, isang realidad lang ang kailangan at gusto kong paniwalaan. Yun eh na dapat PUMASA AKO! HEHE. πŸ˜€

I’LL SAY WHEN IT’S OVER.
– Uzumaki Naruto

SHANNARO! πŸ˜€

GOOD VIBES,
Please Come To Me Now. πŸ˜€

Marso 9, 2010 at 1:58 hapon 19 mga puna

PA’NO NA?

Merong mga bagay na kahit anong gawin ‘ko, hindi ko talaga kayang paniwalaan na posibleng mangyari. Kahit anong mangyari, umaasa ako sa katiting na liwanag o sa napakalit na porsyentong “MAY MANGYAYARI PA“, magiging OKAY pa.

Pero bakit sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi akong napapahalubilo sa mga taong SUPER NEGA kung mag-isip. Nang magpaulan ang Diyos ng PESSIMISM eh “open-arms” silang sumalo noon.

Financial Accounting I. Prelim Term, 3 quizzes ang bagsak ko. 1 ang 100. 69 ako sa Prelim Exam, ang Passing Grade eh 75. In short, nung Prelim term, bagsak ako, tama? Midterm. 4 quizzes and bagsak ko. 1 ang 100. Hindi ko pa alam kung pasado ako sa Midterm Exam ko. Tingin niyo ba papasa ako sa Midterm? Final Term, wala pang mga quiz, wala pa ring exam. KAYA KO PA BANG HUMABOL?

Takot ako at sobrang lungkot ko dahil hindi ko masabi sa parents ko ang nangyayari. May tiwala kasi sila sakin, at kung kailan naman ako naging Scholar, isang Semester ko lang pala mapapakinabangan. Ang lungkot talaga. Sobra.

Madalas akong tinatanong ng mga kaklase ko kung nasabi ko na daw ba sa parents ko na baka bumagsak ako. Na malaki daw yung chance. Sabi ko, at ang parati kong sagot eh: “Ayaw ko. Hindi ko kaya.” Dahil hindi ko naman talaga kaya. Kailangan ko na daw sabihin para daw hindi na raw magulat ang parents ko.

Kapag naman tinatanong ko yung mga Superfriends ko, parati nilang sinasabi sakin na, “Hindi yan Gudang. Kayang-kaya mo pa yan. Maniwala ka lang.” Kaya ko pa ba? Pero tulad nga ng sinabi ko sa sarili ko dati, “Kahit maraming tao ang walang bilib sa kakayanan ko, lalo na yung iba kong kaklase, basta’t mayroong ISANG TAONG naniniwala sakin at sinasabi saking OKAY LANG YAN, kakayanin ko. At okay lang talaga yun.

Nang bumisita ako kay St. Jude last time, parang after nun, parang kahit anong mangyari, parang TIWALANG-TIWALA ako sakanilang dalawa ni Bro, na hindi nila ako papabayaan. Hindi nila ako papabayaan kaya, parang hindi ako masyadong nagwoworry. Kaso ngayon, parang unti-unti na kong nabbrainwash ng mga taong nasa paligid ko na konti na lang eh sabihin sakin na sumuko na ‘ko. Tama na ‘to. At niloloko ko na lang ang sarili ko. 😦

Pa’no na? Dahil pati si Naruto, tingin ko, nahihirapan rin sa problema kong ‘to.

What Now?

Ano bang sa tingin niyo mga kapit-E-bahay?
May pag-asa pa kaya?

Marso 6, 2010 at 2:58 hapon 19 mga puna

‘Coz it has always been unfair.

Buti naman at day-off ko bukas (parang iba yun ah haha), basta wala akong pasok every Thursday πŸ™‚

TULOOOONG! Si Gudang ay kinakabahan ng bigtime para sa kanyang performance sa Saturday (03-06-10). Magdadrama kasi ako. As in Dramatic Speech. Oo, ang tagal ng sumagi sa utak ko na bakit ko kailangan gawin yun eh Accounting ang Major ko. Ganun naman ata talaga eh, kapag maraming feeling major na subjects. At hindi ko pwedeng pabayaan yun dahil may mine-maintain akong grade. Haay KAIBA! πŸ˜€

“People become bitter when they think that LIFE IS FAIR.
‘Coz it has always been unfair.”

AGREE? I do. xD Nabasa ko lang yan sa News Feed sa aking FB. Totoo naman eh. Ocge Gudang, magdrama ka na naman. Haha. πŸ™‚ Pero, hindi nga, totoo naman nga naman yan. πŸ™‚ Kaya matuto tayong magapakatotoo at tanggapin ang FACT sa araw-araw. Ang daling sabihin, ang hirap gawin. Kasi ako mismo, BITTER πŸ˜› Haha.

NARUTO NI GUDANG πŸ˜€

At sige na! Shinare ko lang yun. πŸ™‚ Maghahanap na ko ng background music ko para sa Speech ko.Nagdalaw pa ko sa inyong mga bahay πŸ˜€

Goodnight looooves! β™₯

Marso 3, 2010 at 1:52 hapon 14 mga puna

Pwedeng maguluhan, hindi yon kasalanan.

AT SOBRANG HAGGARD DAY ngayon. Bakit kaya everytime na matatapos ang klase ko sa tatlong oras kong inuupuan na Financial Accounting I, napapansin kong sobrang pagod ako? Kahit wala na kaming P.E., mas nakakapagod pala kapag utak mo yung pinagod, hindi katawan.

Hindi naman kami naglecture kanina, pero sobrang MINDBLOWN ako dun ah. Garabi. Hindi ko naman pwedeng sisihin ang kahit sino na sa APAT na QUIZ na yun, eh wala akong naipasa kahit isa. Eh anung pake ko kung Gain or Loss siya sa pagbebenta ng lintek na mga Stocks niya! Magsara na Company niya!

Anung pake ko? MALAKI. Dahil ito ang napili kong course. Bagsak ako? Okay lang yun! Okay lang talaga yun! πŸ˜€ Hehe. Kasalanan ko yun eh. Pero hindi okay yun, dahil hindi ko pinagbuti. Gago ka Gudang, labo mo!

Naguguluhan na talaga ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anung uunahin. Ay mali, alam ko pala kung anung uunahin, ayaw ko lang gawin. Wala namang nagsabing kasalanan ang maguluhan, kaya okay lang. Kaso kapag naliwanagan na ang utak mo, kasalanan nang hindi sundan ang liwanag. (LIKE WHOA?!)

HAPPINESS!

Nadulas ako kanina. Ewan ko kung tatanga-tanga talaga ako o tanga lang talaga. Pwede both? Nadulas, as in literal. Pagbaba ko sa hagdan, ayun, GORA SA DULAS NG SAHIG! Haha. Parang nag-ice skating ako nang walang yelo. Kamusta naman. πŸ™‚ At sa dinami-dami naman ng mga taong maaaring makakita nung “Very Precious Moment“, OO, tama, ANDAMI NGA NILANG NAKAKITA. 😦 Okay lang yun, hindi naman nila ako kilala. Eh ba’t ba?! Unique ako bumaba ng hagdan eh! Gusto ko makatawag-pansin! Minsan na nga lang ako magpapansin eh, pagbigyan! Haha πŸ™‚

ENERGY!

At napansin ko rin nakakatuwa pa rin talaga dito sa WordPress, dito sa E-bahay ko. Dahil kahit anung mangyari, yung mga naging kaibigan ko dito, eh hindi pa rin ako nakakalimutan. Hahaha πŸ˜€ Ang lupet! Kaya nagaganahan gora type ako eh. πŸ˜€

O panu ba yan mga labs?
Matutulog muna ko, at kailangang pumasok sa impyerno, ay este, iskwela bukas! πŸ˜€ GOODNANAYT! πŸ˜€

Marso 2, 2010 at 4:45 hapon 16 mga puna

Okay lang yun. Normal lang yun.

Nang mapanuod ko ang MMK (Maala-ala Mo Kaya), featuring ang buhay ni Efren PeΓ±aflorida. May natutunan ako.

Na ang sapatos na butas ay BASTOS. Ngeeee. Patawa si Gudang. Hindi yun! Hindi yun! Erase! Erase! πŸ˜€

Ito ay line na sinabi ni Mr. Dominic Ochoa. Hindi ito yung exact na sinabi, pero ito ang thought. Hindi ko matandaan ang kanyang character name pero siya ang naging daan ni Efren para sa tamang landas.

“Yung MAPAGOD ka, normal lang yun. Okay lang yun. Yung magduda ka sa sarili mo, normal lang din yun. Okay lang talaga yun. Dahil ang mahalaga, yung HINDI KA SUMUSUKO. Yung hindi ka susuko.”

———————————————-

Hindi ba nakaka-inspire? Ako kasi, na-inspire eh. Parang sobrang tama ng timing nung napanuod ko yan, dahil nung mga time na yan, nagdududa na rin ako sa sarili ko, kung tao talaga ako. Ngeee. πŸ˜›

Kung ‘okay’ pa ba na andito ako sa course ko, dahil sobrang walang pakundangan ang Accounting sa pagpapahirap sa buhay ko. Pero hindi eh, okay lang naman daw talagang magduda sa sarili ko at mapagod ako. Hindi pa naman ako umaabot sa puntong SUSUKO. “paSUKO” pa lang. JOKING πŸ˜€ Haha.

Uzumaki Naruto On Giving Up

Tsaka para saan pa yung pagkahilig ko sa kung anu-anong Naruto, na ang motto, ay “I WILL NEVER GIVE UP!”

Diba Mga LABS? Hehe. πŸ˜€

Marso 1, 2010 at 5:33 umaga 20 mga puna


WRONG CLICK! :D WAHA! :)

GUDANG MO β™₯

GUDANG β™₯

17 y/o | full-time AccounTAM | Las PiΓ±as City | Philippines | Filipina | NARUTO | iloveMath | ihateChildren | [will update next time]

Mga Bagong Paskil

ARCHIVES ;]